Advertisers

Advertisers

Covid-19 positivity rate sa NCR bumaba – OCTA

0 259

Advertisers

INIULAT ng OCTA Research Group nitong Linggo na nakitaan nila ng pagbaba ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang weekly positivity rate ng NCR ay bumaba na sa 16.4% hanggang noong Agosto 12.

Mula ito sa dating 17.5% na naitala noong Agosto 6 lamang.



Binanggit ni David na ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumaba ang lingguhang positivity rate ng COVID-19 sa kasalukuyang wave nito.

Ang isang chart, ayon kay David kung saan makikita na mula Mayo 15-21, 2022 hanggang unang linggo ng Agosto ay makikita ang unti-unting pagtaas ng COVID-19 weekly positivity rate sa NCR na bumaba lamang sa huling bahagi nito mula Agosto 7 hanggang 12.

Sinabi ni David na ito ay nagbibigay sa kanila ng optimism na ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR ay umabot na sa peak o rurok nito.

“The NCR weekly positivity rate decreased to 16.4% as of August 12 from 17.5% as of August 6. This is the first time in the current wave the weekly positivity rate decreased, and it gives us optimism that cases in the NCR may have already peaked. #COVID19,” ayon pa dito. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">