Advertisers

Advertisers

Pekeng dentista, huli sa Pangasinan

0 270

Advertisers

Naaresto sa ikinasang entrapment operation ang isang pekeng dentista sa Purok V, Brgy Balincanaway sa bayan ng Rosales.

Ayon kay PMaj. Herminio Olivares, Chief of Police ng Rosales PNP, na sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Dental Association (PDA) at kanilang himpilan nahuli ang isang lalaki na illegal na gumagawa ng pustiso.

Isinagawa ang naturang operasyon base na rin sa naging reklamo ni Dr. Cesar A. Casanova, na siyang Chairman ng Campaign Against Illegal Practice of Dentistry (CAIPD), Pangasinan Chapter.



Dagdag nito na dahil sa mga rekomendasyon sa mga nagiging biktima nito kaya naman, marami ang tumatngkilik sa pagbili ng mga ibinebenta nitong mga pekeng pustiso.

Ayon pa kay Casanova, dahil mura ang halaga ng mga naibebentang pustiso ng suspek kung kaya naman maraming mga residente ang tumatangkilik ito.

Sinabing pang bukod sa unsanitized ang mga pustisong ginagawa ng suspek wala rin itong sapat na kaalaman sa paggawa nito.

Ang naarestong suspek na hindi pa pinangalanan, sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9484 (The Philippine Dental Act of 2007) at pansamantalang nakapiit sa himpilang ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">