Advertisers

Advertisers

Sikat na rider patay sa bangga sa pader

0 297

Advertisers

Patay ang kilalang motorcycle rider nang maaksidente habang minamaneho ang motorsiklo nitong Sabado sa Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Jireh Edrote.

Ayon sa ulat, galing Iligan City si Edrote kung saan siya lumahok sa isang endurance challenge contest at sa Davao City ang finish line.



Habang binabaybay ang kahabaan ng Purok Rizal, Barangay Poblacion, Lugait, Misamis Oriental, dumulas ang gulong ni Edrote at bumangga ito sa isang pader.
Nangyari ang aksidente 2:00 ng madaling araw.

Itinakbo pa sa pagamutan si Edrote ngunit binaiwan din ng buhay.

Kilalang rider si Edrote mula sa Cagayan de Oro City kaya’t naging usap-usapan sa Facebook ang kanyang biglaang pagpanaw.(Mark Obleada)