Advertisers

Advertisers

Pilipinas nakapagtala ng 2 pang kaso ng monkeypox – DOH

0 224

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang dalawa pang kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario. Vergeire na ang dalawang bagong kaso ay nasa edad 34 at 29 at kapwa may kamakailang travel history sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng monkeypox.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Vergeire sa mga pasyente.



Ayon sa opisyal ng DOH, ang 34 anyos na pasyente ay naglabas ng positive PCR result noong Agosto 18 habang ang resulta ng 29-anyos na pasyente ay inilabas noong Agosto 19.

Sumasailalim din sa home isolation ang 34 anyos na pasyente habang patuloy ang contact tracing ayon kay Vergeire.

Sa kabilang banda, ang 29 taong gulang na kaso ng pasyente ay kasalukuyang nasa isang health facility.

Halos 17 close contact ang naberipika sa isinasagawang contact tracing.

Ang unang kaso ng monkeypox sa bansa ay gumaling na at nakalabas na ng isolation noong Agosto 6.



Nakumpleto na rin ang quarantine ng 10 contacts ng unang kaso ng monkeypox. Walang laboratoryo para sa confirmatory testing ang kailangang gawin dahil lahat sila ay asymptomatic sa final assessment. (Jocelyn Domenden)