Advertisers

Advertisers

3 PATAY SA PAMAMARIL SA TAGUIG CITY

0 882

Advertisers

TATLO ang patay sa pamamaril nitong Linggo ng umaga sa Taguig City, Metro Manila.

Kinilala ang mga biktima na sina Marie Angelica Belina, 25 anyos, overseas Filipino worker (OFW), ng Barangay Pachoca, Calapan City, Mindoro; Mark Ian Desquitado, 35, Grab driver, nakatira sa #27 Block 5, Zone 1, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City; at Tashane Joshua Branzuela, 22, estudyante.



Sa ulat ng Substation 1, Fort Bonifacio, Taguig City Police, naganap ang insidente 7:18 ng umaga sa Delsie’s Rooms  transient House sa 12 Block 5 ng nabanggit na barangay.

Ayon sa testigo na hindi na pinabanggit ang pangalan, nakarinig ito ng sunod-sunod na putok ng baril at nang kanyang alamin, nakita niya ang duguang mga biktima. Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng isang puting van.

Kaagad na ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na papaalis na si Belina patungong Japan at galing ito sa Batangas-Pier nang sunduin ng van ng isa sa mga biktima.

Ayon sa pulisya posible dating kinakasama ng babaeng biktima ang salarin.



Napag-alaman na hindi mga residente ng barangay ang mga biktima.

Pinoproseso na ng PNP-SOCO ang crime scene.

Nagsasagawa parin ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa pagkakakilanlan ng  salarin. (GAYNOR BONILLA)