Advertisers
NINETY TWO (92) percent na teaching at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) ang nakakumpleto ng kanilang primary vaccine series laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kabila nito, sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na ipatutupad parin nila ang ‘No Discrimination Policy’ sa mga paaralan at papayagan ang mga guro at estudyante na dumalo sa face-to-face classes kahit ano pa ang kanilang vaccination status.
Sa data ng kagawaran, aabot narin sa 90 percent ng mga teaching at non-teaching personnel ang fully vaccinated.
Kumukuha pa sila ng data kung ilan sa naturang bilang ang nakapagpabakuna na ng booster doses.
Una nang inanunsiyo ni DepEd Undersecretary, Atty. Revsee Escobedo, na papayagan pa ring makapagturo ang mga hindi bakunadong guro sa pagbabalik ng face-to-face classes ngayon.