Advertisers

Advertisers

Agawan ng pasahero nauwi sa bugbugan

0 279

Advertisers

NAKUNAN ng video ang ilang tsuper ng jeep sa Cebu City na hindi nakapagpigil at nagsuntukan dahil sa agawan ng pasahero.

Sa kumakalat na video na unang pinost ni Boyet Heyrosa, naganap ang suntukan sa kahabaan ng N. Bacalso Avenue sa naturang lungsod.



Sa ulat, bago magsuntukan, nagsigawan muna ang mga tsuper at konduktor. Maya-maya pa, itinabi nila ang kanilang mga minamanehong sasakyan at nagsuntukan.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Cebu City Transportation Office (CCTO) upang maawat ang mga tsuper.