Advertisers

Advertisers

Cloe ok lang ma-typecast sa role na ‘aning-aning’

0 319

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ISA na namang mapanghamong papel ang ginagampanan ni Cloe Barretto sa bago niyang pelikulang #DoYouThinkIAmSexy” na palabas na sa Vivamax simula sa Setyembre 9.
Ayon kay Cloe, hindi siya natatakot na ma-typecast sa roles na may ‘sayad’ o ‘aning-aning’ ang personalidad tulad ng nagampanan niya sa Silab, Tahan at The Influencer.
Naniniwala kasi siyang marami naman talagang layer ang personality ng isang tao na siyang nagpapatingkad sa kanyang character.
Kumbaga, mas nacha-challenge raw siya kapag complex ang karakter ng kanyang role.
Dagdag pa niya, hindi rin daw siya natatakot na ma-overexpose dahil sa sunud-sunod na proyekto niya sa Vivamax.
Sa tanong naman kung feeling niya ay sexy siya, aniya, confident daw naman siya sa sarili na oozing with sexiness siya dahil may mga nagpapantasya sa kanya.
Hindi naman niya ikinaila na minsan ay nakaranas din siya ng body shaming dahil sa pag-gain ng weight noon.
Gayunpaman, napapanindigan daw naman niya na ma-maintain ang kanyang pigura.
Kuntento rin daw siya kung anuman ang ibinigay sa kanyang alindog ng Diyos at wala siyang balak na ipa-enhance ito.
Wala rin daw siyang nakikitang masama sa mga taong nagpaparetoke kung trip nila ito.
Para rin kay Cloe, sexy ang isang lalake kapag responsable ito at family-oriented.
Mas naa-attract daw siya sa mga mata ng isang hombre kesa sa nasa pagitan ng legs nito dahil madali raw niyang masalamin ang sinseridad ng intensyon ng isang lalake through eye contact.
Reunited si Cloe sa kanyang favorite leading man na si Marco Gomez sa pelikulang #DoYouThinkIAmSEXY.
Sa pelikula, ginagampanan ni Cloe ang papel ni Charlize, isang working student at content creator ng erotic videos na nagtratrabaho sa isang adult content site na magiging biktima ng pagsasamantala ng kanyang gurong si Trystan na binibigyang buhay ni Marco Gomez.
Ang #DOYOUTHINKIAMSEXY na tumatalakay sa papel ng mga kababaihan sa lipunang dinodomina ng mga kalalakihan ay mula sa panulat at direksyon ni Dennis N. Marasigan na nakatanggap ng parangal na Best Screenplay mula sa Cinemalaya Independent Film Festival at Golden Screen Awards.
Kasama rin sa supporting cast sina Chloe Jenna, Hershie de Leon, Milana Ikimoto, at Ava Mendez.