Advertisers

Advertisers

LTFRB, DoTr sanib puersa vs NCAP: SUSPINDEHIN N’YO MUNA YAN!’

0 161

Advertisers

HINILING narin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DoTr) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang suspindehin ang pagpapatupad ng ‘No-Contact Apprehension Policy’ (NCAP) para sa public transport.

Binanggit ng LTFRB at DoTr ang rason ng pagbubukas ng klase ngayong Lunes.

Ayon sa dalawang tanggapan, ginawa nila ang request para makapag-accomodate ang mas maraming public utility vehicles (PUV) ng mga pasahero.



Inaasahan na kasi ang pagbuhos ng mga pasahero ngayon sa Metro Manila dahil sa unang araw ng face-to-face classes.

Ang DoTr ang nagpadala ng naturang sulat habang inilabas naman ng LTFRB ang dalawang memorandum circulars para payagan ang ang 33 buses, 68 jeeps at 32 UV Express routes.

Sa bahagi naman ng MMDA, siniguro nito sa DoTr na walang mahuhuling mga PUV sa pamamagitan ng NCAP dahil hindi pa sila nag-isyu ng certificates of public convenience (CPC) sa mga rutang magbubukas ngayon.

Sinabi ng MMDA na mayroon special permits ang iiisyu sa PUVs habang hinihintay pa ang pinal na desisyon ng LTFRB na buksan ang CPC applications.

Hiniling naman ng LTFRB sa public transport drivers at operators na sundin ang mga polisiya sa kanilang mga prangkisa at provisional authorities.

Ang mga lalabag dito ay posibleng ma-revoke ang prangkisa o permit. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More