Advertisers
Patay ang mag-ina sa naganap na sunog sa Ormoc City, Leyte nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina Belen Sumalinog, 62 anyos; at Lyndon Sumalinog Mendoza, 36.
Sa ulat, naganap ang sunog 2:00 ng madaling araw sa bahay ng mga biktima sa Barangay Cogon.
Ayon sa report, na-trap umano ang mag-ina sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa mga kapitbahay, malaki na ang apoy nang magising sila kung kaya hindi na nasaklolohan ang mga biktima, na walang kasama sa bahay nang mangyari ang insidente.
Sinabi ng Ormoc City Fire Station, Dalawang bahay din ang nadamay sa sunog, na naideklarang fire out 4:02 ng madaling araw.
Ayon sa mga awtoridad, tinatayang umabot sa P1.8 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog.
Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.