Advertisers
NALAMBAT sa bisa ng warrant of arrest ang 63-anyos na school director sa kasong estafa sa Barangay Banalo, Bacoor City.
Kinilala ang inaresto na si Danilo Suyo, managing director ng Bacoor Unida Evangelical School at residente ng Brgy. Banalo.
Sa ulat, 2:35 ng hapon nang madakip ng pinagsanib na puwersa ng Warrant Section ng Bacoor at Cavite Maritime Police ang school official sa Brgy. Banalo.
Sa kasalukuyan hindi pa dinetalye ng mga otoridad kung sino ang nagkaso kay Suyo.