Advertisers

Advertisers

Full-time coach dapat!

0 266

Advertisers

Kung hindi pasado si Nenad Vucinic sa Samahan ng Basketbol sa Pilipinas ay ayos lang. Sayang kung assistant o consultant lang ang New Zealander- Serbian. Palitan natin.

Kung ayaw ng mga koponan sa PBA kay Tab Baldwin kaya hindi sila magpapahiram ng player sa kanya ay oks lang. Dati kasi nagsalita si Baldwin ng negatibo sa mga team sa pro league. Eh di iba na lang.

Kung sinusuka na ng taong-bayan si Chot Reyes sanhi ng attitude nito ay sige lang. May kayabangan at hindi pala lilisanin ang TNT para mag focus sa pambansang koponan. Hanap ulit ng maaari.



Kailangan ng Gilas Pilipinas ay isang permanenteng mentor. Yung full time bench tactician kailangan. Mga manlalaro uubra pang paiba-iba sa darating na mga buwan nguni’t hindi sa head coach.

Noon nandiyan si Rajko Toroman tapos si Reyes at si Baldwin nga. Pero ngayon pati coach kung sino na lamang available. No pwede mga sir.

Isang taon na lang bago tayo mag host ng World Cup. Kilos na SBP.

Ire naman si Reyes na parating bitbit anak niya sa coaching staff ay hindi naman manananggal para hatiin ang katawan sa dalawang mabigat na tungkulin.

Sana pumayag si Tim Cone na lumiban sa Barangay Ginebra. Wala naman siyang dapat pang patunayan sa GinKings. Siya kasi tingin ni Tata Selo pinakakwalipikado. Ngayon assistant na siya sa Team RP kaya hindi na mahirap ang transition. Pinakamatagumpay na coach yan sa PBA, respectado ng lahat at mapag-iisa niya ang basketball community. Tapos may winning mentality parati.



Isang kumpas lang ni Ramon Ang ng SMC ay papayag tiyak ang Amerikano sa hamon.

***

Kakapirma lang ni LeBron James ng contract extension sa LA Lakers kaya hawak na niya pinakamataas na sahod sa NBA.

$97.1 M sa loob ng 2 taon na may player option sa ikalawa.

Deserving naman si LBJ. Napakaahusay na, box office star pa.

Dati malaki pa sa kanya suweldo nina Kevin Durant, Steph Curry at maging si Russell Westbrook.

***

Nakauna agad ang defending champion na TNT sa Game 1 nila ng San Miguel Beer via sa isang jumpshot ni Jayson Castro sa huling 1,6 na segundo. In the nick of time.

Kamukha noong 2021 nakuha din nila ang first match sa duwelo nila ng Magnolia.