Advertisers
NASAWI ang mag-aama sa isang vehicular accident sa kahabaan ng Digos-Makar Highway sa Barangay Katangawan, General Santos City nitong Linggo.
Kinilala ang mga nasawi na sina Anacito Amoguis, 43 anyos; at mga anak na si John Paul, 6; at Trixie, 5; at ang driver ng sasakyang (SUV) nakabangga sa kanila ay kinilalang si Fernando Letigio, 46 anyos.
Sa ulat, sakay ng motorsiklo ang mag-aama nang mahagip ng Mitsubishi Montero ni Letigio.
Isinugod pa sa pagamutan si Amoguis at John Paul ngunit hindi na umabot ng buhay, habang binawian ng buhay si Trixie habang nilalapatan ng lunas.
Agad namang sumuko sa pulisya si Letigio.