Advertisers
NASA P28.5 milyon halaga ng marijuana ang nadiskumbre at winasak sa isang plantation sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay Regional Director Gil Castro ng PDEA CAR, umaabot sa 142,500 fully grown marijuana plants ang sinira sa plansta-syon sa Barangay Loccong at Barangay Tulgao West, Tinglayan.
Sa datos, mahigit P.3 milyon ding halaga ng marijuana plants ang sinunog sa Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet; at Barangay Caoayan sa Sugpon, Ilocos Sur.
Ang naturang operasyon ay ginawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA CAR, Tinglayan PS, PNP DEG SOU1, PDEA-Mt. Province, 1503rd RMFB, 1501st RMFB, 1st KPMFC, 2nd KPMFC at Naval Forces Northern Luzon.
Ang bayan ng Tinglayan ay kilalang producer ng marijuana sa Northern Luzon.
Walang nadakip na cultivator o may-ari ng plantasyon sa natu-rang anti-illegal drugs operation o marijuana eradication operation. (REY VELASCO)