Advertisers

Advertisers

P37m poultry farm nasunog sa Bataan: 50K manok nalitson

0 270

Advertisers

KINAIN ng apoy ang isang malaking manukan sa Balanga City, Bataan, Sabado ng hapon.

Ayon kay Elvira Tamayo, may-ari ng poultry farm sa Barangay Upper Tuyo, Balanga City, nasunog ang kanilang dalawang double-decker buildings na nagkakahalaga ng P30 million, 50,000 ulo ng 23-day-old broiler chickens na nagkakahalaga ng P6 million, 500 bags ng feeds na nagkakahalaga ng P1 million.

Ang broiler chickens, sabi niya, ay nakatakda na sanang anihin sa sunod na 10 -15 days.



“Hindi masyadong maliwanag kung saan nanggaling ang apoy dahil kasalukuyang nagpapakain ng manok ang mga tao nang tumakbo sa akin ang farm manager na may sunog. Nang dumating kami sa lugar ay mataas na ang usok na maitim na maitim at may apoy na,” sabi ni Tamayo .

“Nagsimula sa second floor pero hindi lang namin malaman kung saan talaga nanggaling ang apoy dahil palagi namang naiinspeksyon ang lugar at kumpleto sa lahat ng kailangan.”

Aniya, hindi pa niya matantiya kung magkano ang eksakto na total damage pero siniguro niyang ang nasunog na poultry house, kasama na ang mga lamang manok at feeds ay nagkakahalaga ng P37 million.