Advertisers
ISANG 51-anyos na Pinay domestic worker ang natagpuang walang buhay sa bahay ng kaniyang employer sa HongKong.
Agad namang tumawag sa pulis ang employer nito para i-report ang pagkamatay ng OFW.
Wala namang natagpuang suicide note sa kuwarto ng Pinay worker at sinasabing bigla na lamang itong nawalan ng malay.
Isasailalim sa autopsy ang labi ng OFW para makumpirma ang dahilan ng pagkamatay nito.
Nakikipag-ugnayan narin ang Philippine Consulate sa employer ng OFW para makakuha ng mga impormasyon sa pagkamatay ng Pinay worker.