Advertisers

Advertisers

Sandy sumadsad ang buhay nang malulong sa droga ang mister na si Boyet

0 321

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog ng magaling at award-winning actress na si Amy Austria-Ventura, naging panauhin niya ang matalik na kaibigang si Sandy Andolong.
Sa kanilang tsikahan, nagbalik-tanaw si Sandy sa kanyang buhay bilang aktres at asawa ni Christopher ‘Boyet’ de Leon.
Ani Sandy, passion daw talaga niya ang umarte kaya nag-aral pa siya sa isang acting school sa New York.
Pero noong sumalang daw siya sa pag-arte, ipinayo sa kanya ng late Ishmael Bernal na isantabi niya lahat ng natutunan sa Tate dahil iba raw ang kalakaran sa mundo ng local showbiz.
Aminado rin siyang at 19, pinapiili siya ng kanyang ina sa kanyang boyfriend noon na hindi ito boto
Nagbanta kasi itong aalis papuntang Amerika at hindi na babalik kaya ang naging desisyon daw niya ay hiwalayan ang nobyo.
Una raw silang nagkasama ni Christopher sa pelikulang Sundalong Ilokano pero nagsimula raw itong manligaw sa kanya noong matapos ang premiere night ng kanilang epic movie na Aguila ng late FPJ.
Hirit pa raw noon ni Boyet, hindi siya sanay sa mahabang ligawan kaya in three months time, naging magnobyo na sila ng actor.
Hindi raw naman niya naisip na ganoon magiging kakumplikado ang kanilang relasyon.
Marami raw ang nagalit sa kanya lalo na ang fans ni Nora Aunor na noon ay hiwalay na sa kanyang mister.
Nakatikim daw siya ng mga panlalait at mga masasakit na batikos na consequence ng kanyang pagtindig sa relasyon nila ni Christopher.
Aminado rin siyang maraming pagsubok na pinagdaanan ang kanilang pagsasama.
Dumating daw sila sa puntong nasadsad sa maraming problema lalo na nang malulong sa ipinagbabawal na gamot ang kanyang kabiyak.
Nawala raw ang bahay nila noon at maging ang mga trabaho ay naging mailap sa kanila.
Madalas daw silang nag-aaway at naging apektado ang panganay nilang si Raphael.
Dahil daw sa magulong pagsasama nila noon ni Boyet, tinangka raw ng kanyang inang kasuhan silang mag-asawa at kunin ang custody ng kanilang anak na panganay.
Napanuto lang daw ang buhay nila nang personal nilang nakilala ang Diyos sa Life in the Spirit Seminar. (LSS).
Naging malaking pagsubok din daw sa kanyang mister ang pagbabalik sa showbiz.
May isang pari raw na ikinunsidera si Boyet para bigyang buhay ang talambuhay ng Pinoy saint na si Lorenzo Ruiz pero nabaril daw ito ng namayapang Jaime Cardinal Sin dahil isang dating adik ang kanyang esposo.
Noong lumaki na raw at nagkaisip ang kanyang anak na si Raphael, inihingi raw niya ng kapatawaran sa anak ang trauma na naranasan nito sa kanyang turbulent childhood dahil sa magulong pagsasama nila ni Christopher.