‘KKB’, ipatutupad ni Mayor Honey sa 107 public shools sa Maynila
Advertisers
ISTRIKTONG ipatutupad ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng 107 public elementary at high schools sa lungsod ang ‘KKB’ o kanya-kanyang baon sa pagbabalik ng in-person classes.
“Pag oras ng pagkain, kanya-kanya munang dala ng baon, strictly, para dun na din sila kakain sa areas nila,” sabi ni Lacuna.
Nanawagan ang lady mayor sa lahat magulang at guardians na ipaghanda at pabaunin ng pagkain ng pagkain ang kanilang mga anak upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito sa pamamagitan ng wastong pagkain.
Ayon sa pa sa alkalde, ang hakbang ay hindi lamang makatitiyak ng balanced diet sa mga bata kundi malaking katipiran din ito sa bahagi ng mga mag-aaral dahil mas mahal ang bumili ng lutong pagkain sa labas.
Idinagdag pa ni Lacuna na isa ring doktor na ang pandemya ay nasa paligid lamang at ang pagkain ng sama-sama ay hindi makabubuti at hindi iminumungkahi. Labag din ito sa pinaiiral na safety protocol o social distancing para makaiwas sa hawahan ng COVID-19.
Sinabi pa ng alkalde na ang mga bata ay hindi pa gaanong alisto kagagaling lamang nito sa dalawang taon at kalahating online online classes.
Muli ay hinimok ni Lacuna ang mga magulang at guardians na pabakunahan at paboosteran ang kanilang mga anak dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga mga pasyenteng nagiging severe at kritikal ang kundisyon matapos tamaan ng coronavirus.
Maaaring hindi man nagbibigay ng total immunity ang bakuna, tiyak naman na makapagdaragdag ito ng proteksyon kontra COVID-19 at maiiwasan na maging severe at kritikal ang pasyenteng nahawahan ng virus, ayon pa kay Lacuna .
Palagian nang ikinakampanya ni Lacuna ang bakuna kontra COVID-19 simula pa noong pandemya at kahit na noong siya ay vice mayor pa lamang. (ANDI GARCIA)