Advertisers
Isang aktibong Police Major ang inaresto ng mga elemento ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP- IMEG) habang nagsusugal sa Resort World Manila Casino, Pasay City.
Kinilala ni PNP Chief Gen Rodolfo S. Azurin ang inaresto na si PMaj Rolando Regalado Isidoro.
Ayon kay BGen Warren F. De Leon, Dir PNP IMEG, 6:20 ng gabi ng arestuhin ng pinagsanib na elemento ng Integrity Monitoring and Enforcement Group National Capital Region Field Unit (IMEG-NCRFU), Regional Intelligence Division, (RID- NCRPO), Regional Special Operations Group (RSOG-NCRPO), PNP Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) ang suspek sa Resort World Casino sa Pasay City.
Isinagawa ang operasyon base sa report ng concerned citizen na ang nasabing opisyal na madalas na maglaro o magsugal sa nasabing Casino.
Inaresto si Isidro ng mga operatiba habang nalalaro ng slot machine sa casino.
Sa ulat, dinala si Isidro sa IMEG Headquarters Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Art. 231 of the RPC in relation to MC No. 6 Series of 2016 at RA 6713. Gayundin ang paghaharap ng kasong Administrative.
Sinabi ni De Leon na ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Azurin ang pagdakip sa mga miyembro ng kapulisan na sangkot sa iligal na aktibidades.
“This doesn’t give good impression in their conduct as law enforcers. The bottom line is, we discourage our personnel from engaging in gambling activities since it is detrimental to their professional and personal values,” wika ni De Leon.
Hinikayat naman ni De Leon amg publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidades upang agarang ito maaksyunan.(Mark Obleada)