Advertisers

Advertisers

Aiko nakiusap sa pagbabalik-serye; AJ nagalit sa veteran writer nang hawakan ang tiyan

0 387

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NANG magkita sa press preview ng isang pelikula sina AJ Raval at ang veteran writer na si Aster Amoyo, hinawakan ng huli ang tiyan ng una.
Pero ayon sa chika, hindi raw nagustuhan ni AJ ang ginawang yun ni Tita Aster. Na-offend nga raw ang sexy star.
Siguro alam ni AJ na isa si Tita Aster sa mga nagsusulat na buntis siya, na ang itinuturong ama ay ang sinasabing boyfriend niya na si Aljur Abrenica
Feeling siguro ni AJ, ang ginawang paghawak ni Tita Aster sa kanyang tiyan ay para malaman kung malaki ito at totoo ngang buntis siya Na naging dahilan para nga ma-offend siya rito
Gulat na gulat si tita Aster nang malaman nitong hindi ikinatuwa ni AJ ang kanyang ginawa dahil wala raw malisya ang paghawak niya sa tiyan nito. Ganoon lang daw siya na very touchy
***
MAGSISIMULA na pangatlong installment ng Mano Po Legacy na The Flower Sisters.
Tampok bilang The Flower Sisters sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, at Angel Guardian.
Kasama rin sa cast sina Isabel Rivas, Paul Salas, Sue Prado, Mikee Quintos, Tony Revilla, Marcus Madrigal, Tanya Garcia, Sophia Senoron, Reins Mika, at Kimson Tan.
Sa Facebook page ni Aiko, nakiusap siya sa kanyangang mga tagahanga at supporters sa gagawin niyang pagbabalik-teleserye.
Sabi niya,“Pagbigyan nyo na po ako kung ako po ay babalik sa paggawa ng Soap opera po.
“Ung kikitain ko po dun idadagdag ko sa ipangtutulong ko din naman. Diba mader Ogie Diaz I will make sure di ako magpapabaya sa aking trabaho naman.
“Ang tawag dyan ay time management. Kapag gugustuhin gagawan ng paraan ang lahat. Kaya sa mga tagahanga ko po eto na nga malapit na ako magbalik. Gugulatin ko nalang kayo! Sino ang excited?” nakasaad pa sa FB status ni Aiko
Narito ang ilan sa comments ng mga netizens sa pagbabalik-serye ng award-winning actress.
“Go go go, Madam Konsi Aiko, GOD bless.”
“I’ve always been your fan. God bless you on all your endeavors.”
“Ako! Super excited! Iba rin naman kasi ang angas ng serye kapag may Aiko Melendez noh! Kabahan na kayo sa pagbabalik. Simulan nang humarap sa salamin yung mga so-so lang dyan at magbasa ng script. Nakakahiya kay Aiko noh! Lablab Marsie.”
“Some people may not understand, but I believe that you can keep many balls in the air at once. Enjoy Konsehala my friend.”
“Wow nakakaexcite naman po, sabi naman po namin diba kung saan ka susuportahan ka namin… and we’re also happy na nagagawa mo po ung nagpapasaya sayo while working, nakakatulong pa at napapasaya mo pa po mga fans mo excited na kami sa iyong pagbabalik we love you.”