Advertisers

Advertisers

Covid-19 positivity rate sa NCR bumaba na

0 263

Advertisers

BUMABA na ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lalawigan sa Luzon.

Ito ay batay na rin sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account kahapon.

Ayon kay David, bumaba ang positivity rate sa NCR na mula sa dating 14.6% noong Agosto 20, ay naging 12.9% na lamang noong Agosto 27.



Ang positivity rate sa Bataan ay bumaba na rin sa 8.8% na lamang noong Agosto 27, mula sa dating 10.5% noong Agosto 20.

Sa ngayon, ang Bataan ang nag-iisang lalawigan sa Luzon na mayroong positivity rate na mas mababa sa 10%.

Samantala, iniulat din ni David na ang positivity rates ng Albay, Cagayan, Camarines Sur, Isabela, La Union, Nueva Ecija at Tarlac ay bumaba rin, ngunit nananatili pa ring “very high.” (Andi Garcia)BUMABA na ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lalawigan sa Luzon.

Ito ay batay na rin sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account kahapon.

Ayon kay David, bumaba ang positivity rate sa NCR na mula sa dating 14.6% noong Agosto 20, ay naging 12.9% na lamang noong Agosto 27.



Ang positivity rate sa Bataan ay bumaba na rin sa 8.8% na lamang noong Agosto 27, mula sa dating 10.5% noong Agosto 20.

Sa ngayon, ang Bataan ang nag-iisang lalawigan sa Luzon na mayroong positivity rate na mas mababa sa 10%.

Samantala, iniulat din ni David na ang positivity rates ng Albay, Cagayan, Camarines Sur, Isabela, La Union, Nueva Ecija at Tarlac ay bumaba rin, ngunit nananatili pa ring “very high.” (Andi Garcia)