Advertisers

Advertisers

Dalagita, kinatay ng ex- bf ng Mommy

0 331

Advertisers

BINAWIAN ng buhay ang isang dalagita na pinagsasaksak sa loob ng kanilang inuupahang apartment ng salarin na dating kasintahan ng kanyang ina sa Purok 1 Brgy. Timbao, Laguna nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Jonaflor Gurra, 18 anyos at residente sa nabanggit na lugar; habang kinilala naman ang salarin na si Jayson Abejuela, 29, residente ng Brgy. Laloma sa kaparehong lugar.

Ayon sa pinadalang report ni Binan City Police Station PLtColonel Virgilio Jopia kay Laguna Police Provincial Director P/Colonel Randy Glenn Silvio, isang tawag ang kanilang natanggap galing sa isang barangay official ng naturang barangay tungkol sa nangyaring insidente ng pananaksak na agad naman nirespondehan ng mga otoridad at lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na nakita ng ilang testigo ang salarin na nagpupumilit pumasok sa loob ng apartment ng biktima at narinig din na sumisigaw ang biktima at humihingi ng tulong.



Kalaunan, tumigil ang pagsigaw nito at nakitang nagmamadaling umalis ang salarin sa lugar kaya’t pinuntahan ng ilan residente ang loob ng bahay at tumambad sa kanila ang katawan ng biktima na naliligo sa sarili nitong dugo at may mga saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Naisugod pa sa ospital ang biktima na idineklarang dead on arrival ng mga rumespondeng doktor.

Nadakip naman ang salarin, 8:00 ng gabi ng parehong araw sa isinagawang hot pursuit at follow up operation ng Binan City PNP sa Barangay Casimiro sa Las Pinas City.

Inamin ng salarin na ang ina ng biktima ang kanyang puntirya na nauna ng pinagbantaan nito na papatayin dahil meron na umanong ibang nanliligaw dito subali’t napagbalingan lamang niya umano ang dalagita bilang ganti.

Mahaharap ngayon sa kasong Murder ang nakakulong na si Abejuela sa Binan City Custodial Facility.(KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">