Advertisers
NAILIGTAS ng mga awtoridad ang asawa, anak at mga kasambahay ng alkalde nang i-hostage ng kanilang security escort/driver na dumanas ng nervous breakdown noong Sabado sa bayan ng Dauin.
Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Dauin Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si Venirando Dalope, 57, tubong Barangay Tuliao, Santa Barbara, Pangasinan at nakatira sa Barangay Masaplod Sur, Dauin, Negros Oriental.
Isasailalim naman sa psychological debriefing nang ma-trauma ang asawa ni Dauin Mayor Galicano Truita na si Maria Carmen Truita, anak na si Jemimie Truita, at kanilang kasambahay na sina Liza Tuban, at Maricon alias “Connie” Abarientos, lahat mga nakatira sa Barangay Masaplod Sur, Dauin, Negros Oriental.
Ayon kay Police Regional Office (PRO7), director Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega, 9:00 ng unaga nang magsimulang i-hostage ng suspek ang mga biktima sa loob ng bahay sa nasabing lugar.
Mabilis naman rumesponde ang PRO-7 at lahat ng unit ng Dauin Police ng makatanggap ng report mula mismo sa alkalde na hinostage ng kanyang pamilya ng suspek.
Inabot ng 8-oras ang negosasyon at matiwasay na sumuko ang suspek sa mga awtoridad pati na rin ang mga baril na hawak nito na isa cal. 45 pistol na may isang magazine at may 7 bala, ganun din ang suot nitong m16 rifle na may magazine at may laman na 30 bala.
Bago ang insidente, dumaranas umano ng nervous breakdown ang suspek na ilang taon na rin nanilbihan bilang security escort at driver ng pamilya Truita.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591, o the “Comprehensive Law on Firearms and Ammunition” and for “Serious Illegal Detention” for depriving the victims of their liberty for more than seven (7) hours.