Advertisers

Advertisers

Mga Pinoy na nasa Libya pinag-iingat dahil sa patuloy na kaguluhan

0 164

Advertisers

MARIING nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na naninirahan sa Tripoli, Libya na maghanap ng mga lugar na matataguan.

Batay sa DFA, mayroong 2,164 na mga Filipino ang naninirahan sa Libya kung saan pawang nurses, hospital workers, instructors sa unibersidad at mga skilled workers ang karamihang mga nagtatrabaho doon.

Sa nangyaring pinakahuling kaguluhan ay walang mga Filipino ang nasugatan.



Patuloy din ang ginagawang monitoring ng DFA sa Philippine Embassy sa Tripoli sa kaganapan doon.

Naganap ang kaguluhan ng magkasagupa ang magkalabang gobyerno na isa ay pinangungunahan ni Abdulhamid Dbeibah laban kay Fathi Bashagha.

Dahil sa pangyayari ay maraming mga gusali na nag nasira at ikinasawi na rin ng mahigit 30 katao.