Advertisers

Advertisers

PBBM at VP Sara nakiisa sa pagdiriwang ng National Heroes Day

0 241

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani nitong Lunes.

Sa mensahe ng punong ehekutibo, binibigyang pugay niya ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kakaibang katapangan at giting sa pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat na malimutan ang naging legacy ng ating mga bayani sa kanilang naging pag-aalay ng buhay at magagawa na aniya’y nakikita rin naman ngayon sa ating mga medical professionals, civil servants, uniformed personnel at mga ordinaryong mamamayan.



Ang kanilang mga gawa ayon sa pangulo ay hindi lamang nagpapa-alala sa pagiging maharlika ng ating lahi kundi isang paghikayat din upang makibahagi ang bawat isa sa pagtataguyod ng matatag na bansa.

Sa huli ay inihayag ni Pangulong Marcos na ang bawat isa’y may kani-kanyang taglay na kabayanihan na maaaring ipagmalaki at magsilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.

Samantala, itinuturing ni Vice President at Department of Education (DepEd) secretary Sara Duterte na mga bagong bayani ang lahat ng mga guro sa buong bansa, kasabay ng paggunita sa National Heroes Day nitong Lunes.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, matapang at hindi makasarili na mga bayani ang mga guro dahil sa kanilang dedikasyon na magturo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">