Advertisers
BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang malalimang imbestigasyon upang malaman ang motibo at pagkakilanlan sa salarin sa pamamaril sa may Crossing Cuevas, Trento, Agusan del Sur na kumitil sa buhat ng isang guro nitong Linggo.
Kinilala ang biktima na si Carl Anthony Espinosa Tejones, 32 anyos, residente sa P-14 Algon, Trento, Agusan del Sur, at guro ng Novele National High School, Brgy. Novele, Rosario, Agusan del Sur.
Sa ulat, sakay sa isang ALMERA Nissan na may plate number LAJ 1774 ang biktima nang binaril ito ng hindi nakilalang salarin.
Ayon sa nakasaksi, may nakasagutan umano ang biktima bago naganap ang pamamaril.
May tama sa leeg ang biktima na dinala sa Valentina Galido Plaza Memorial Hospital nguni’t dineklarang Dead on arrival ng attending physician.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, iniwanan ng salarin ang sinakyan nitong single motor kulay itim sa hindi kalayuan sa pinangyarihan na siyang ginamit sa pagtakas sa hindi matukoy na direksiyon.