Advertisers

Advertisers

COA sa PS-DBM: Isauli ang P3B dormant funds sa Bureau of Treasury

0 164

Advertisers

HINIKAYAT ng Commission on Audit (COA) ang pamunuan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) para ibalik sa Bureau of Treasury ang P3 billion sa dormant funds na ininvest sa high yield savings.

Inirekomenda ng COA sa isang liham na ipinadala kay PS-DBM OIC Atty. Jasonmer Uayan na may petsang June 29 na atasan ang Head, Treasury Division para agarang i-remit ang balance ng high yield accounts na P3 billion.

Batay kasi sa records na ni-review ng COA, lumalabas na nag-invest ang PS-DBM sa high yield savings account ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines para makapag-ipon ng mataas na interest rates kumpara sa current o savings account.



Subalit ang naturang investments ay terminated na noon pang 2020. Ang naturang halaga ay ibinalik sa current account ng PS-DBM sa LBP at ang pondo na nagkakahalaga ng P3.001 billion sa DBP ay lumalabas na cash in bank – time deposits, local currency.

Nakalikom ang P3 billion deposit na ito ng P1.363 million na interest income na naibalik naman na sa Treasury bureau noong March 18, 2022.

Subalit iginiit ng COA na dapat na maging ang P3 billion na halaga ay maibalik din sa national treasury’s general fund.

Ayon pa sa COA, mahigit limang taon mula ng na-established ang High Yield Savings account subalit nananatili pa rin itong inactive kung saan ang interest income lamang ang natatangi nitong transaction.

Sa ilalim kasi ng Executive Order No. 431 na inisyu noong 2005 at sa 2012 joint circular na inisyu ng DOF, DBM at COA, lahat ng dormant accounts at unnecessary special at trust funds ay dapat na maibalik sa general fund.



Ang mga inactive accounts na mahigit limang taon na ay ikinokonsiderang dormant.