Advertisers

Advertisers

2 Killer ni Jovelyn Galleno, kinasuhan ng rape with homicide

0 484

Advertisers

Naghain ng criminal case ang Philippine National Police (PNP) laban sa dalawang salarin sa panghahalay at pagpatay sa 22 anyos na si Jovelyn Galleno kung saan natagpuan ang mga kalansay umano nito mahigit dalawang Linggo ang nakalilipas mula ng mapaulat na nawawala noong nakalipas na buwan.

Ayon kay Police Brig. Gen. Sidney Sultan Hernia, kasong rape with homicide ang inihain laban sa mga salarin sa Puerto Princesa City Prosecutor’s Office.

Una nang umamin ang mga salarin na pinsan ng biktima na gumahasa at pumatay kay Jovelyn.
Isa sa mga salarin ang nagturo ng lokasyon ng mga skeletal remains ni Jovelyn na nagbigay daan sa mabilis na paglutas sa kaso.



Kinumpirma din kamakailan ng Puerto Princesa police na 99.9 % na tugma ang skeletal reamains ni Jovelyn sa samples mula sa kaniyang ina base sa resulta ng DNA examination.

Sa kabila nito, humingi na rin ng tulong ang magulang ni Jovelyn mula sa National Bureau of Investigation para sa karagdagang imbestigasyon sa kaso.

Ayon naman kay Police Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, chief of the PNP-Public Information Office, welcome naman para sa PNP ang parallel investigation dahil kapwa pareho naman ang hangarin nila na makamit ang hustisya. Hindi din aniya sila makikialam sa desisyon ng pamilya subali’t tiniyak naman ng PNP na determinado sila na maresolba ang naturang kaso.