Advertisers

Advertisers

Col. ibay, hepe pa rin ng MPD-Smart

0 538

Advertisers

Mananatili sa Manila Police District (MPD) si Police Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng Manila Police District-Special Mayors Reaction Team (MPD-Smart).

Matapos kanselahin ang relieved order ni Ibay ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Matatandaan na una ng naglabas ng kautusan ang NCRPO na ilipat si Ibay sa Quezon City Police District (QCPD) noong nakaraag Linggo.



Pero sa inilabas na bagong kautusan ng NCRPO na aprubado ng Director nito na si Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, kinansela at mananatili sa MPD si Ibay.

Hindi naman na idinetalye pa ng NCRPO ang dahilan ng pagkansela ng assignment ni Ibay..

Matatandaan na si Ibay ang namuno sa MPD-Smart mula ng maupo si Manila Mayor Isko Moreno kung saan personal siyang pinili ng alkalde.(Jocelyn Domenden)