Advertisers

Advertisers

Lalaki umiwas sa bgy. tanod, huli sa shabu

0 210

Advertisers

KALABOSO ang isang construction worker nang mahulihan ng shabu nang umiwas sa mga barangay tanod na nakabantay sa harap ng barangay hall ng Barangay Apolonio Samson, Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Russel Fulminar, 19 anyos at residente ng Brgy. Balingasa, Quezon City.

Ayon kay PSSg. Christopher Bermejo ng Quezon City Police District station 1 Laloma, nadakip ang suspek sa harap ng Brgy. Hall ng Barangay Apolonio Samson, QC ng mga barangay tanod, 4:00 ng umaga.



Sinabi ni Bermejo na kasalukuyan nakabantay sa harap ng barangay hall ang mga tanod na sina BPSO Basilio Terencio at Dennis Fuedar ng umiwas sa kanila ang naglalakad na suspek sa harap ng nasabing barangay hall.

Agad naghinala ang mga tanod na may masamang pakay at may dalang kontrabando ang naturang lalaki kaya agad sinita, subali’t nagmadali sa kanyang paglalakad dahilan para habulin ito.

Nakuha mula sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P300.00.(Boy Celario)