Advertisers

Advertisers

Mayor Along pinapurian ang Caloocan Police

48 wanted nahuli sa loob ng isang araw

0 250

Advertisers

Ipinahayag ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang pasasalamat at pinuri ang Caloocan City Police Station (CCPS) sa pagkakahuli sa 48 indibidwal na may warrant of arrest sa iba’t ibang kaso noong Martes, Agosto 30.

“Nagpapasalamat tayo sa ating kapulisan sa tuloy-tuloy niyong mga operasyon kontra droga at kriminalidad. Sana’y magsilbing babala ito sa mga masasamang-loob na hindi kayo sasantuhin sa Caloocan,” pahayag ni Mayor Along.

Gayundin, nagpahayag si Along ng pasasalamat sa CCPS sa pagtiyak na may police visibility sa mga pangunahing kalsada at pampublikong lugar ng lungsod.



“Gayundin po sa pagtitiyak na mayroong police visibility sa mga pampublikong lugar sa lungsod, salamat po sa inyong serbisyo para sa ikapapanatag ng ating mga kababayan,” wika ni Mayor Along.

Ayon kay CCPS Chief PCol. Samuel Mina, naaayon ang nasabing pananakit sa layunin ng Alkalde na linisin ang listahan ng mga wanted na indibidwal sa Caloocan.

“Ang direktiba sa atin noong inagurasyon ni Mayor Along, linisin ang listahan ng mga most wanted sa lungsod. Kaya’t sinisikap ng Caloocan City Police na makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang arestuhin ang ating mga public enemies,” pahayag ni PCol. Mina.

Tulad ng nakasaad sa spot report mula sa CCPS, nahaharap ang mga nasabing suspek sa mga alegasyon sa mga karumal-dumal na krimen kabilang ang frustrated homicide, robbery at physical injury.

Isinagawa ang nasabing mga operasyon ng CCPS’ Warrant Section sa pamumuno ni PMaj. Jeraldson Rivera at Intel Section na pinamumunuan ni PMaj. John Chua.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">