Advertisers
ISANG 71 anyos na senior citizen ang pinagnakawan at inatake sa ulo ng hindi pa kilalang salarin sa California sa United States of America (USA).
Itinago muna ang pagkakakilanlan ng biktima para na rin sa seguridad nito, na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital.
Samantala, mabilis namang tumakas ang hindi pa rin kilalang salarin sakay ng kotse.
Sa report nitong Huwebes, oras sa Pilipinas, kalalabas lamang ng biktima sa isang fast food, nang bigla itong hatawin sa ulo ng matigas bagay ng salarin at tinangay ang bag nito na naglalaman ng pera at personal belongings nito.
Dahil sa insidente kaagad na dinala ang biktima ng 911 sa isang ospital at kasalukuyang mino-monitor pa ang kalagayan nito.
Hawak na ng pulisya ang CCTV footage hinggil sa insidente.