Advertisers

Advertisers

Pangunahing kalye sa Binondo, pinailawan nina Mayor Honey at VM Yul

0 220

Advertisers

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang pagpapailaw ng pangunahing kalye sa Binondo upang mahadlangan ang kriminalidad dito at matiyak ang kaligtasan ng mga pedestrians at motorista.

Ang nasabing aktibidades ay dinaluhan nina third district Congressman Joel Chua, City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sadac at Manila third district Councilors Tol Zarcal, Fe Fugoso, Terrence Alibarbar at iba pa. Labis na ikinatuwa at pinalakpakan ng mga residenteng dumagsa okasyon ang pagpapailaw.

Sinabi ni Lacuna na ang pamahalaang lungsod ay patuloy na magpapailaw sa mas maraming kalye hanggat maaari para sa kaligtasan ng mga nagdaraang mga tao, dahil nagiging kanlungan ng mga elementong kriminal ang mga madidilim na kalye maging eskinita.



Ayon kay Andres, naglagay ang grupo ni Sadac ng ?34 set- 200watts led lights at 22 piraso ng 30-foot lamp posts sa San Fernando Street mula San Fernando Bridge hanggang Madrid Street sa Binondo, kaya naman napakaliwanag na sa nasabing lugar.

Pinasalamatan naman ng Binondo-based groups sa pangunguna ni Nelson Guevarra ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FCCCII) at barangay authorities sa pamumuno ni chairman Jefferson Lau ang alkalde at sinabing ang pagpapailaw ng mga kalye ay magbibigay ng tiwala at kaligtasan sa lahat ng mga daraan sa nasabing mga kalye.

Samantala ay sinuspinde ng lady mayor ang klase sa lahat ng antas alinsunod sa yellow rainfall advisory ng PAGASA.

Ang suspensyon ay sakop ang lahat ng klase sa private at public schools, in- person at online classes alinsunod sa Department of Education Order No. 37, Series of 2022, na may petsang September 1, 2022. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">