Advertisers
LUMAGDA si Maika Ortiz sa Choco Mucho bago ang Premier Volleyball League Reinforced Conference sa October.
Ginawa ng Flying Titans ang anunsyo Sabado ng umaga,Sept 3, sa twitter.
Ang Choco Mocho ay nagtapos eight place sa nakalipas na PVL tournament ay ngayon ay nakatutuk na palakasin ang kanilang depensa sa pagdating ni Ortiz sa team.
Si Ortiz ay kabilang sa pitong players na pinakawalan ng Chery Tiggo nakaraang buwan habang ang team ay sumailalim sa major revamp.
Ang veteran middle blocker ay bahagi ng Crossovers title run sa Open Conference laban sa pinapaboran na Creamline Cool Smashers.
Makakasama ni Ortiz sa pangkat sina Bea de Leon at Maddie Madayag sa parating na PVL conference.