Advertisers

Advertisers

Pulis-QCPD na nagpaputok ng baril, sumuko

0 300

Advertisers

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Brigadier General Nicolas Torre III, ang boluntaryong pagsuko ng isang pulis na nasangkot sa insidente ng ‘alarm and scandal’ sa Kangkong St., Barangay Tumana, Marikina City, Huwebes ng gabi.

Ayon kay Torre, ang pulis na si Corporal Felipe Pauig, 32 anyos, nakatalaga sa District Tactical Motorized Unit (DTMU), residente ng Barangay Tumana, Marikina City, ay nagtungo sa tanggapan ng kanyang superior, Lt. Colonel Reynaldo Vitto, sa Camp Karingal, Quezon City 9:40 ng gabi.

Boluntaryo rin isinuko ni Pauig, na kasalukuyang nasa restrictive custody, ang kanyang service firearm na ginamit niya sa ‘indiscriminate firing’.



Nauna rito, noong Setyembre 2, 2022 ipinag-utos ni Torre ang manhunt laban kay Pauig nang masangkot sa alarm and scandal incident kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Jail Officer 1 Dolfino Gatan, nakatalaga sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Bicutan, Taguig City; at Jestony Pauig, security guard, ng Brgy. Tumana.

Sinampahan rin si Pauig ng Marikina Police Station ng kasong paglabag sa Art. 155 o Alarm and Scandal, habang ang QCPD ay nagsulong ng pre-charge evaluation sa kanyang kaso upang masampahan ng ‘administrative’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More