Advertisers
NASUNOG ang ilang bahagi ng ABS-CBN Compound sa Sgt. Esguerra Ave., Quezon City nitong Martes.
Pinalikas agad ang mga empleyado ng ABS-CBN Main Building 7:00 ng umaga.
Ayon kay ABS-CBN ‘Sakto’ co-host Jeff Canoy, umeere ang programa nang marinig nila ang fire alarm.
Pansamantala namang itinigil ng ANC at TeleRadyo ang broadcasting program dahil sa sunog.
Pinayagan nang bumalik ang mga empleyado 8:00 ng umaga.
Hindi pa rin malinaw ang naging sanhi ng sunog.