Advertisers

Advertisers

Halos P10m marijuana nasabat sa Bulacan

0 267

Advertisers

NASABAT ang nasa 81 bricks ng marijuana ng mga operatiba ng Balagtas Municipal Police Station sa operasyon sa Barangay Santol .

Arestado ang dalawang “tulak” na kinilalang sina Mark Lambert Bhobe, ng Meycuayan, Bulacan; at Angelo Llgas, ng San Jose del Monte.

Sa ulat, nakasilid sa tatlong sako ang mga marijuana na tinatayang may market value na mahigit 9.7 million pesos.



Mahaharap ang dalawa suspek sa kasong paglabag sa sec 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.