Advertisers

Advertisers

Motorsiklo bumangga sa truck: Magkakaibigan, patay

0 396

Advertisers

Patay ang magkakaibigan nang sumalpok ang motorsiklo sa likuran ng nakatigil na truck sa bahagi ng bypass road sa bayan ng Taal, Miyerkoles ng madaling araw

Kinilala ang mga nasawi na sina Jenny Lyn Villanueva Alvarez, 29 anyos, residente ng Brgy. Ayao-lyao, Lemery, Batangas; Daniella Tracy Vito Alava, 21, residente ng Mahayahay, Lemery, Batangas; at Billy Joe Dela Cruz Aquino, 27, residente ng Balangon, Agoncillo, Batangas na pawang nakasakay sa motorsiklo nang maganap ang aksidente.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na si Roberto Padilla Vergara, 46 anyos at humingi ito ng tawad sa pamilya ng mga biktima.



Pahayag ni Vergara, na wala siyang kasalanan sa pangyayari dahil nagpapalit sila ng gulong nang bumangga ang naturang motorsiklo.

Napag-alaman na tanging si Aquino na driver ng nasabing motorsiklo ang tanging nakasuot lang ng helmet.