Advertisers

Advertisers

PBA 3×3 Season 2: Ratsada na

0 198

Advertisers

MAPAPASABAK ng todo ang itinuturing na winningest team TNT sa inaugural season ng PBA 3×3 laban sa 11 karibal sa season 2.

Ang Tropang Giga ay napanateli ang pangkat nina Almond Vosotros,Lervin Flores, Samboy de Leon, Gryann Mendoza, Ping Exciminiano, at Ray Mark Acuno para sa bagong season na magsisimula sa Sabado sa Robinson Antipolo.

“This season, more exciting kasi yung ibang players nasa ibang teams na. At the same time, halos lahat meron nang idea maglaro ng 3×3,” Wika ni Vosotros kahapon sa PBA 3×3 Media Day sa TV5 Media Center.



“I think ang advantage namin is chemistry and bonding kasi since last conference magkakasama na kami at walang nabago sa team,” Sambit ng league’s scoring champ at Gilas Pilipinas 3×3 stalwart.

Ang Meralco ay dinala sina Reymar Caduyac,Leo de Vera, at Ken Mocon para makasama sina Tonino Gonzaga at Alfred Batino habang ang Purefoods pinapirma sina JR Alabanza at Chris de Chavez para makasama sa grupo sina Joseph Eriobu, at Jed Mendoza habang ang Cavitex dinagdag si Jorey Napoles sa kanilang polder.

Pinanateli rin ng San Miguel ang kanilang dating roster na pinamumunuan ni Ken Bono at Jeff Manday.

“Lumakas lahat ng teams,” Wika ni Gonzaga. “In our case, mas mabilis ang team namin ngayon. Mas magiging balansiyado ang scoring. Tingin ko magiging mas successful ang Meralco this season.”

Ang dalawang bagong team na sasabak sa unang pagkakataon ay ang Blackwater Red President at guest team J&T Express.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More