Advertisers

Advertisers

STL sa QC walang renewal… GINAGAWANG PRONTA NG ILLEGAL GAMBLING!

0 520

Advertisers

SA kabila ng kawalang- renewal ng lisensiya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng Lucent Gaming and Entertainment OPC na nagpapatakbo ng Small Town Lottery ay patuloy parin itong nakakapag-operate sa Quezon City.

Batay sa reklamo ni Melchor Guingab, Administrative Officer-QC Cares, ipinarating nila kay Melquiades Robles, kasalukuyang General Manager ng PCSO, na may petsang Setyembre 3, 2022, na ang Lucent Gaming and Entertainment OPC ay pag-aari ni Ronald Pagulayan na kamag-anak ng dating General Manager ng PCSO na si Royina Garma.

Ayon pa sa reklamo ni Guingab, isang basehan na may paglabag sa batas ang pagbigay ng lisensiya ng PCSO ng STL kay Pagulayan dahil kamag-anak nito si Garma.



Ang sinumang opisyal o direktor ng PCSO ay hindi maaaring payagan na makapag-operate at bigyan ng lisensiya ng STL dahil sa pagkakaroon nito ng “conflict of interest”.

Bukod dito, may mga isyu rin sa pagbabayad tulad ng pagkaantala at hindi pagbabayad ng tama at araw-araw na remittances ng kumpanya bilang nakalagay sa sinumpaang salaysay ng nagrereklamo.

Isang Procerfina Terrie ang kinontrata ni Pagulayan na humawak ng STL sa Quezon City sa ilalim ng kanyang anak na si Richelle Rose Labrusa ang nakipag-MOA bilang sub-contractor ng Lucent Gaming and Entertainment OPC.

Subali’t napag-alaman na si Procerfina Terrie ay blacklisted at bawal na humawak ng negosyo mula sa PCSO.

Bukod dito, sa inilabas na Memorandum Circular No. 3 ni Executive Secretary Vic Rodriguez ,”amending supplementing memorandum circular No. 1, series of 2022 by extending the term of office of government officials and employees covered therein and fixing the rules therefore, and prohibiting new contracts and disbursement of extraordinary funds”.



Naging epektibo ang nasabing Memo Circular No. 3 tanghali ng Hunyo 30, 2022 na deklarado na bakante ang mga posisyon sa Executive Department at ibinigay paraan ng pagtugon sa mga resultang bakante.

Nakapaloob pa sa nasabing memo na ang itinalagang Officer-in-Charge (OICs) ng department offices, agencies at bureaus, pati narin ang non-Career Executive Officials (non-CESO) na nakaukupa sa Career Executive Service (CES) positions ay, “in hold-over capacities and affected contractual or casual employees were directed to perform the duties and discharge their responsabilities until 31 July or until a replacement has been appointed or designated, whichever comes first”.

Pagkatapos ng Hunyo 30, walang naganap na renewal sa lisensiya ng Lucent Gaming and Entertainment OPC na pag-aari ni Pagulayan, subalit patuloy parin silang nag-o-operate sa Quezon City.

Kaugnay nito, 7:40 ng gabi ng Setyembre 6, 2022 ay nakatanggap ng impormasyon ang Anonas Police Station (PS-9) na laganap ang illegal gambling “EZ bookies” sa may Krus na Ligas, Quezon City. Kung kaya’t agad nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng police station sa nabanggit na lugar at apat katao ang naaresto.

Samantala, isang nagngangalang Christian ang lumutang sa istasyon ng pulisya at ipinakita nito ang renewal ng lisensiya ng STL ng Lucent Gaming and Entertainment OPC na pirmado ng isang Atty. Patiag.

Ang nasabing renewal ng lisensiya ay wala na umanong bisa na pirmado ng isang nagngangalang Atty. Patiag dahil bago na ang pamunuan ng PCSCO.