Advertisers

Advertisers

Mula platfrom hanggang ordinansa: Mayor Along pinangunahan ang distribusyon ng senior cash gift

0 193

Advertisers

Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pamamahagi ng cash gift para sa mga senior citizen sa Caloocan Sports Complex, Barangay 171, nitong Huwebes, Setyembre 8.

Isa sa mga plataporma ang birthday cash gift ng local chief executive noong 2022 campaign period, bukod pa sa pagpapatuloy ng birthday package program ng nakaraang administrasyon. Kamakailan, ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Caloocan ang Ordinance no. 0984 na nagbibigay ng P500 cash gift sa mga senior citizen sa kanilang birth month epektibo ngayon Setyembre.

“Ang pangako ko po sa inyo noong panahon ng kampanya, kasabay ng pagtanggap niyo ng birthday package ay magbibigay din tayo ng cash gift para sa inyong kaarawan. Ngayon, naisakatuparan na po ito sa tulong ng ating konseho at isa nang ganap na ordinansa,” wika ni Mayor Along.



Sa isang maikling talumpati, sinabi ng local chief executive na ang kilos na ito mula sa pamahalaang lungsod, naglalayon din na ipakita ang pagpapahalaga at gayundin ang pagkilala sa mga senior citizen sa pagpapalaki at pagpapahalaga sa mga kabataan.

“Sisikapin po ng ating liderato na iparamdam sa inyo ang pagkalinga at pagtanaw namin ng utang na loob para sa maraming taon na pag-aalaga nyo sa mga bagong henerasyon ng mga Batang Kankaloo,” pahayag ni Mayor Malapitan.

“Mga lolo at lola namin sa Caloocan, hayaan nyong kami naman po ang mag-alaga sa inyo at kilalanin ang inyong ambag sa ating komunidad. Ipaparamdam po namin sa inyo na masarap tumanda sa Caloocan,” dagdag pa ni Along.

Ipinahayag ni Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) officer-in-charge Ms Marilyn De Jesus na ayon sa utos ni Mayor Along, dapat italaga ang pamamahagi sa mga barangay at lahat ng mga rehistradong senior citizen na may karapatan sa nasabing benepisyo.

“Ibababa po natin ang pamamahagi sa mga barangay para mas mabilis makuha ng mga senior kasabay ng kanilang cash gift. Ang bilin po sa atin ni Mayor Along, walang pipiliin—mayaman, mahirap basta’t rehistrado po sa ating database ay mabibigyan ng cash gift,” wika pa ni De Jesus.



Alinsunod dito, inilunsad din ng OSCA ang digitalization ng rehistrasyon at pag-update ng mga senior citizen ID na may layuning linisin ang database nito para sa mas mahusay na information dissemination, benefit distribution, at streamlined data repository.(BR)