Advertisers

Advertisers

Darren at Cassy buking na ayaw pa aminin ang relasyon

0 350

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

KAHIT hindi pa umaamin sina Darren Espanto at Cassy Legaspi na may namamagitan na sa kanila, o may relasyon na sila, patuloy pa rin na naniniwala ang mga tagahanga nila na sila na nga.
Base raw kasi sa kanilang tinginan at body language kapag magkasama sila, very obvious na talagang may something na sa kanila.
Sa guesting nina Daren at Cassy sa Magandang Buhay, natanong nga si Darren tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Cassy at kung payag ba siyang makasama ang dalaga sa isang project pagdating ng panahon.
Sabi ng singer, gustung-gusto raw talaga nila ni Cassy na magkaroon ng bonggang collaboration in the future.
“Kami ni Cass we want to make a project kahit like kaming dalawa lang. Sa YouTube or something,” sey pa ni Darren.
At sa isang bahagi nga ng programa, diretsahan nang inusisa ang binata kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ng dalagang anak ni Carmina Villarroel.
Sagot ni Darren, “Kami po ni Cassy, we are very close. Best friends po kami so lahat talaga alam namin tungkol sa isa’t isa.
“Ati ang families namin ay parang sanay na parati kaming magkasama or lumalabas. Pero we aren’t taking anything serious din naman na masyado,” paliwanag pa niya.
O di ba, deny pa rin si Darren?. Kahit nga si Zoren ay nadulas na sinabi niya na pumupunta sa bahay nila si Darren.
***
SA isang interview ni Ice Seguerra, ikinwento niya na naubos dati ang savings niya dahil sa panggantso ng isang taong pinagkatiwalaan nila noon.
Nawala na lang parang bula ang perang kinita at pinaghirapan niya noong kasagsagan ng kanyang career bilang child star.
Sabi ni Ice,”Walang savings. Naloko kami. Hindi kami naloko sa business. But there was a time noon na nagpa-renovate kami ng bahay. Nagantso kami ng isang tao na akala namin kamag-anak.
Patuloy niya,”We trusted this person so much. So we let the person handled the finances. Only to find out na nalimas na pala ‘yung pera sa bangko. So that happened,”
Hindi na raw nila nabawi pa ang pera.
“That time it was hard to recover na. I was a teenager so yung mga napag-ipunan ko noong kabataan ko nadale. Nuong teenager ako wala naman akong career but I never stopped working. Hindi nga ako nag-loveteam.
“It was a family thing na hindi naman kailangan i-broadcast pa. It’s in the past. While it was happening, it was one of my down moments.
Nagtatrabaho naman daw that time ang daddy niya, pero feeling niya ay siya ang may mas malaking ambag sa mga gastusin sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.
“My dad was working naman pero feeling ko ako pa rin yung nagbibigay ng mas malaki. So I felt the responsibility kung paano ko siya ma me-make both ends meet,” aniya pa