Advertisers

Advertisers

Herlene ‘Hipon Girl’ Budol walang paki ma-bash nang nakawan ng kiss si Alden; Rejuviant beauty brand endorser na rin

0 184

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

HINDI ikinakaila ng beauty queen-comedienne na si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol na mula noon at hanggang ngayon ay si Asia’s Multimedia Star Alden Richards pa rin ang crush niya at type maging leading man sa proyekto.
Sa idinaos na solo presscon para sa product endorsement niyang Rejuviant Cocoberry body wash at Cocoberry Instaglow lotion sa Luxent Hotel, inamin ni Herlene na ultimate crush niya si Alden na nagsimula pa noong kalabtim pa nito si Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza ilang taon na ang nakalilipas.
May pangyayari pa anyang nagka-cutting classes siya para lang mapanuod sa TV ang AlDub.
Tsika rin ng 1st runner-up sa Bb. Pilipinas 2022, ninakawan anya niya ng halik si Alden na naging dahilan para ma-bash siya ng mga tagahanga ng actor.
Pero sa kabila ng pag-bash sa kanya, deadma lang dito si Herlene dahil ang importante umano sa kanya ay paborito niya si Alden.
“Syempre kahit naman sino ‘pag nakita mo idol mo, hindi mo na pakakawalan yun. Tao lang din naman ako, humahanga,” sey ni Herlene na hindi pa rin makapaniwala na may nagtiwala sa kanya na mag-endorse ng produktong boody wash at lotion. Ito umano ang naging rason sa pagkakaroon ni Hipon ng porselanang kutis.
Hirit ni Herlene, sana nga raw ay magkaroon sila ng project na dalawa ni Alden dahil kursunada niya talaga ang guwapong actor.
Hindi rin ikinaila at ikinahiya ni Herlene na sabihin na hindi umano siya palaligo noon pero ngayong isa na rin siyang beauty queen ay nadalas na raw ang paliligo niya.
Binanggit naman ng mga executives ng Rejuviant skin care na sina Ms. Chique Ballon, Ms. Kim Briones at Ms. Elaine Ismael, napili raw nilang maging endorser ng Rejuviant si Herlene dahil sa pagkakaroon ng porselanang kutis at pagiging humble nito sa kabila ng kasikatang tinatamo nito sa kasalukuyan.
“Sobrang saya po. I never thought I would be an endorser ng isang beauty brand. Thank you Rejuviant for trusting me. Dito maipagpapatuloy ko ang aking adbokasya ‘to be uniquely beautiful with a mission,” mensahe pa ni Herlene.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More