Advertisers

Advertisers

Taunang ‘Araw ng mga Bata’, idinaos sa Caloocan

0 252

Advertisers

Inihayag ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan nitong Sabado, Setyembre 10, na layunin ng pamahalaang lungsod na ipagdiwang ang taunang Araw ng mga Bata sa lungsod upang parangalan ang mga bata at ihanda ang mga programa ng lungsod tungo sa pagbuo ng isang mas mabuting komunidad para sa bata.

“Ang hangarin natin, taon-taon na magkaroon ng Children’s Day bilang tanda at paalala na rin na ang ating mga programa’y para sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan,” wika ni Mayor Along.

Binigyang-diin din ng Alkalde na nagmamarka rin ang nasabing kaganapan ng pagsisimula ng dahan-dahang paglipat mula sa mga paghihigpit na dala ng pandemya.



“Kasama po ang pagdiriwang na ito sa ating mga programa upang maiparamdam natin sa mga Batang Kankaloo ang pagbabalik sa normal ng ating pamumuhay matapos ang mahaba-habang panahon na limitado ang ating galaw dulot ng pandemya,” pahayag pa ni Mayor Along.

Sa naturang kaganapan, pinangunahan ng misis ni Mayor Along na si Ms. Aubrey Malapitan, ang story-telling activity na naglalayong himukin ang mga magulang na mas makipag-bonding sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbabasa.

Nasiyahan ang mga batang lumahok sa ilang mga aktibidad kabilang ang pagpipinta ng mukha, pagkuha ng kanilang mga larawan sa photo booth, libreng meryenda, bitamina at paglalaro sa inflatable play park.(BR)