Advertisers

Advertisers

Lloydie saludo kay Derek sa pag-aalaga sa anak na si Elias

0 133

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA panayam ni Mario Dumaual sa mommy ni Heart Evangelista na si Cecile Ongpauco, nagbigay ito ng pahayag tungkol sa kumakalat na balitang hiwalay na ang anak sa asawa nitong si Sen. Chiz Escudero.
Sabi ni Cecile,”It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK!”
“I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”
Nilinaw din ni Cecile na wala siyang alam kung may isyu nga bang namamagitan kina Heart at Sen. Chiz.
“I have not spoken to anybody,” giit pa niya.
Ilang linggo na rin kasing usap-usapan sa apat na sulot ng showbiz, na tila may pinagdaraanan ang mag-asawang sina Heart at Sen. Chiz nang tanggalin ni Heart ang apelyidong Escudero sa kanyang Instagram handle.
Marami rin ang nakapansin na hindi na sinusuot ni Heart ang kanilang wedding ring.
At kamakailan ay naglabas ng vlog si Heart na tahasan niyang inamin na may pinagdaraanan siya, at in search siya ng real happiness.
Dahil dito, nag 1+1 ang mga Marites at inisip nga ng mga ito na hiwalay na nga sina Heart at Sen. Chiz.
Pero sana ay hindi ito totoo. Na may pinagdadaanan nga lang sana ang kanilang relasyon at hindi pa nagkakanya-kanya ng landas. Nakakakapanghinayang kasi ang kanilang relasyon kung mauuwi rin ito sa wala.
***
SA vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Update, kasama si Mama, ikinwento niya na nakausap niya si John Loyd Cruz nang magkita sila sa ginanap na 68th birthday party ni Direk Bobot Mortiz.
Ayon kay Ogie, sinabi niya kay Lloydie na ang gwapo-gwapo ng anak nila ni Ellen Adarna na si Elias kaya dagdagan na nila ito, na ang ibig niyang sabihin ay mag-anak na ulit sila mula sa kani-kanilang karelasyon.
Pero ang sagot ni Lloydie sa kanya, bahala na.
Balik-tanong ni Ogie, na good thing ay okay sina Lloydie at Ellen pagdating kay Elias.
“Oo naman, kapag gusto kong hiramin ‘yung anak ko, nahihiram ko naman,” sagot ni Lloydie
At dito na inamin ng aktor na magandang nandoon si Derek, “Kasi naiintindihan ako ni Derek (pareho silang may anak na lalaki) bilang tatay din siya. Ang ganda rin ng ginagawa ni Derek para sa anak ko. Four years-old palang ‘yan Ogie pero matured.
“So malaking bahagi rin si Derek kung bakit ‘yung anak niya ay lumalaking responsible at maraming alam na sports. Tinuturuan kasi ni Derek ‘yan di ba?” aniya.
Sabay pakita ng mga video na naglalaro ng golf sina Elias at Derek, nagka-camping by the beach.
“Kita naman sa video kung anu-ano ang itinuturo ni Derek kay Elias kahit hindi niya ito kadugo at stepson niya.
“Sabi pa sa akin ni John Lloyd, ‘okay naman kami. Wala naman kaming problema ni Ellen basta pagdating kay Elias, co-parenting talaga kami at nadagdagan pa, mayroon pa siyang isang tatay, si Derek,” kuwento pa ni Ogie.
Singit naman ni Mama Loi, “Ang sweet ni Lloydie ‘no to acknowledge rin ‘yung role ni Derek kay Elias ‘nay ‘no?”
“Oo, sabi nga niya (JLC) sa akin, ‘kung hindi ganu’n si Derek, e, baka hindi ko alam kung ano ang ugali ngayon ni Elias.’ Kaya tinangnan mo ‘yung bata, di ba kahit saan siya magpunta sunud nang sunod,” ayon pa kay Ogie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More