Advertisers

Advertisers

3K PH, US armies lalahok sa Salaknib 2023 military exercise

0 231

Advertisers

NASA 3,000 sundalo mula sa United States Army Pacific (USARPAC) 25th Infantry Division at Philippine Army (PA) ang lalahok sa Salaknib military exercise sa susunod na taon.

Sinabi ni Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ang pagsasanay sa susunod na taon ay isasagawa sa dalawang yugto sa Central at Northern Luzon, at Mindanao.

Ayon naman kay Philippine Army Deputy Assistant Chief of Staff for Education and Training (DG8), Col. Emmanuel Cabasan, na inaasahan niyang ang mga benepisyo ng pagsasanay mula sa iba’t bang aktibidad at pagpapalitan ng kaalaman, ay magagamit ng parehong hukbo para sa kanilang bentahe.



Pahayag naman ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., ang taunang pagsasanay ay testamento ng “long-standing bilateral relations” ng Pilipinas at Estados Unidos, na makakatulong sa pagkamit ng nagkakaisang layunin na panatilihing malaya at bukas ang Indo Pacific Region. (Mark Obleada)