Advertisers
GUILTY beyond reasonable doubt ang naging hatol sa tatlong rice traders na sangkot sa agricultural smuggling sa Bataan.
Sa ulat, ibinaba ang hatol ni Judge Maricar De LA Cruz Buban ng MCTC Pilar-Orion Bataan laban kina Randy Castillo, Romel Garcia, Nelson Garbo at Arnold Medillo.
Ayon sa report, pawang mga akusado ang mga suspek sa Agricultural smuggling partikular ng bigas na isang paglabag sa Customs Modernization And Tariff Act.
Hinatulan ang mga akusado ng Korte na mabilanggo ng tatlong taon at anim na buwan hanggang apat na taon at walong buwan.
Matatandaan na noong February 24, 2021 nasabat ng Customs ng Bataan ang barkong LCT Yellow River na naglalaman ng libu-libong sako ng mga puslit na bigas na aabot sa P260 milyon ang halaga at inabutan ng mga otoridad habang nagkakarga ang mga truck ng mga nasabing kontrabando.