Advertisers

Advertisers

371 preso pinalaya ng BuCor

0 320

Advertisers

NASA 371 mga preso o deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon sa BuCor, sa 371 PDLs na pinalaya, ang 191 dito ay mula sa New Bilibid Prison (NBP), 143 mula sa Operating Prison and Penal Farms at ang 37 ay mula sa Correctional Institute for Women.

Nabatid, na ang 240 dito ay nakulong sa maximum sentence, 31 ang acquitted at ang 98 ay pinalaya dahil sa parole at ang dalawa ay probation. Pinalaya rin ang 45 preso na pawang senior citizens.



Posible rin aniyang may palalayain ding preso sa buwan ng Oktubre, Nobyembre at Pasko.

Ang pagpapalaya sa mga preso ay dinaluhan nina DOJ Secretary Crispin Remulla, BuCor director general Gerald Bantag, Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta at Justice Undersecretary Deo Marco.

Nitong Martes ay pansamantala munang sinuspinde ang mga bisita sa mga preso at muling ibinalik ang pagdalaw ngayong araw sa Miyerkules (Setyembre 14) bunsod na rin ng security survey assessment. (Gaynor Bonilla)