Advertisers

Advertisers

Chief security guard ng resort, hinoldap at pinatay sa dagat

0 234

Advertisers

Patay ang chief security guard ng isang resort nang holdapin at pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin sa gitna ng dagat sa isla ng Sicogon sa bayan ng Carles, Iloilo

Kinilala ang biktima na si Nelson Gaet.

Ayon sa pulisya, nangyari ang krimen Sabado ng hapon.



Sa imbestigasyon ng Carles PNP, sakay sa motorbanca ang biktima kasama ang dalawa pang security guard nang mag-withdraw ng pera sa bayan ng Estancia, Iloilo para sa pangsahod sa mga kawani ng MBND security agency na nakatalaga sa Sicogon.

Biglang may nag-overtake umano sa kanila na isang motorbanca na sakay ng mga salarin, na pinagbabaril sila.

Kaagad tinamaan ng bala si Gaet at nahulog sa sinasakyang motorbanca habang tumalon naman sa tubig ang dalawang kasamahan ng biktima.

Natangay ng mga salarin ang dalang pera ng mga biktima na nagkakahalaga ng P320,000. Mabilis na tumakas ang mga ito.

Nakaligtas naman ang dalawang security guard na kasamahan ni Gaet at nakahingi ng saklolo sa Carles PNP.



Nagsagawa umano ng hot pursuit operation ang mga awtoridad sa mga salarin pero bigo ang mga ito na mahuli.

Iniimbestigahan na ng Carles PNP ang nangyaring krimen sa gitna ng dagat at pagtukoy sa mga salarin.