Advertisers

Advertisers

Dalagita natagpuang patay sa ilalim ng tulay

0 296

Advertisers

Patay na nang makita ang 16 anyos na dalagita sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City, Cavite nitong Lunes.

Sa report, walang saplot at may sugat sa leeg ang biktima na kinilalang sa alyas Ann.

Kuwento ng ama ng biktima, na nagpaalam ang biktima 10;00 ng gabi noong Linggo na makikitulog sa kapatid, na kanila rin kapitbahay.



Subali’t makalipas ang isang oras, nagmamadali umanong umalis si Ann at hindi na nagpaalam ng maayos kung saan pupunta.

Bandang 8:00 ng umaga ng Lunes, hinanap na siya ng ama bago natagpuan ito sa ilalim ng tulay sa Brgy. Cabuco na wala nang saplot pang-ibaba.

Ayon sa ama ng biktima, wala umanong pangarap ang anak kung hindi makapagtapos ng pag-aaral.

“Gusto niya po maahon kami sa hirap, pangarap niyang maging pulis o kaya’y sundalo,” aniya.

Ayon kay Police Lt. Col. Jonathan Asnan, officer-in-charge ng Trece Martires-PNP, may limang suspek na sa krimen. Pawang mga construction worker ito na bumibisita lamang din sa kanilang barangay.



Narekober sa crime scene ang isang pulang sumbrero, brief, kutsilyo at tsinelas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kinaroroonan ng mga salarin.